Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Vote(s) - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
01-06-2018, 04:01 PM
Post: #11
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
So far, okay naman ang Park n fly, me shuttle ka pa to and from the airport. Iiwanan mo yung car key mo sa kanila and they'll keep in one place together with the other key. Yung huli naming mag-park n fly nitong early december, nakita ko sa dash cam ko na kung saan naipark yung car nung first day, dun pa rin sya kinuha on the sixth day, covered parking naman. At base sa video, naka-log sa guard yung pagpasok at paglabas ng car.
The following 1 user Likes zippinoy's post:
wanderer
Visit this user's website Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-06-2018, 11:58 PM
Post: #12
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
^^Mukang assuring experience nyu sir zippinoy, kumusta naman yung gas at odometer before and after nyu kunin? Any hint na binyahe ng malayo layo?
Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-08-2018, 11:11 AM
Post: #13
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
Hindi naman 100% assurance kasi case to case basis yan hehehe. Pero since 2014 kapag me byahe dun namin iniiwan yung car and thankfully wala namang issue/s sa amin. Lagi akong me note ng km reading bago ko iwan sa kanila at sineset ko sa zero yung A or B ng odo natin. Last time parang tumakbo sya ng 200 meters.
Visit this user's website Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-08-2018, 11:27 AM
Post: #14
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
magkano na ngayon charge ng park and fly sir?

[Image: 16984313132_fbd613ec46_o.gif]
Visit this user's website Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-08-2018, 01:29 PM (This post was last modified: 01-08-2018 01:29 PM by zippinoy.)
Post: #15
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
P340/day. Mas mura yata overnight parking sa T3 pero never ko pang nasubukan.

P340/day. Mas mura yata overnight parking sa T3 pero never ko pang nasubukan.
Visit this user's website Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-08-2018, 01:31 PM
Post: #16
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
salamat sir zippinoy

[Image: 16984313132_fbd613ec46_o.gif]
Visit this user's website Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-22-2018, 08:26 AM
Post: #17
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
san banda ung covered parking sa T3? kung mas mura dun e di mas okay pala dun. dala mo susi... mahirap lang pag sa ibang terminal ung flight mo.... unlike sa PnF may shuttle sila...hatid sundo sa airport... 1

[Image: rNR0ieQ.jpg]
Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
01-22-2018, 08:36 AM
Post: #18
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
pinaka dulo sir ng building ng naia. ang daan nun bago dun mag check point bago umakyat pataas sa departure (left side). minsan pwede din pumasok dyan sa dulo sa taas bago ka bumaba sa highway (from departure area)
The following 1 user Likes GIGAM25's post:
jantre2001

[Image: 16984313132_fbd613ec46_o.gif]
Visit this user's website Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
02-13-2018, 10:01 AM
Post: #19
RE: Park and fly(Park N’ Fly): OK ba to?
So I just recently tried park n fly. Iniwan ko ng 1 week sa kanila kotse ko.

Initial impression, maganda at maayus service nila sayu meaning aasikasuhin ka at parang boss ka talaga. Mabilis din processing nila pakita mo lang copy ng OR/CR tsaka license mo then all set na. Wala pang babayaran sa umpisa, pagbalik na lang para final computation na. Pwede ka tumambay sa lobby nila, hindi masyado kalakihan pero mas komportable tumambay kesa sa terminal 1 NAIA.

So gaya nga ng sabi, parang valet parking style siya. Iiwanan mo sa tapat yung kotse mo at susi tapos sila na bahala magpark dun sa covered parking building nila which is katabi lang din nung office at gasoline station. Pero ichechek at irerecord nila yung details ng sasakyan mo specially if may mga damages na at pipirmahan mo yung form na yun para lang iverify na hindi sila ang nag cause ng damage dahil kapag me damage daw na lumitaw na wala dun, sila ang may kasalanan at pananagutan nila in case. Tapos ihahatid ka sa desired airport mo gamit ang maayus nilang toyota hiace van, nakauniform pa yung driver tapos bubuhatin talaga yung mga maleta nyu. Pagbalik susunduin ka din nila tawagan lang pagdating for pickup.

So pagbalik ko nicheck ko yung odo at gas, same pa din naman meaning hindi naman nila pinasyal kung saan saan. Tapos yung record ng dashcam, dalawang beses nila nilipat ng pwesto yung kotse ko within the same building. Napansin ko lang nung pagkuwa ko at inistart yung sasakyan, naka max yung fan ng aircon, meaning baka ginawang pahingahan saglit yung kotse ko(nidisconnect siguro yung dashcam para di marecord?) at baka hindi alam i-on yung aircon kaya nainitan pa din kahit naka max yung fan.

Other than that, mukang ok naman service nila. Madami din nagpapark ng kotse sa kanila meaning madami tiwala sa service nila. Mga mas magaganda yung kotse nila kaya parang feeling ko di naman siguro mapapagtripan basta basta yung mumurahing mirage lang dahil mas madami silang mas interesanteng kotse na pwede kutkutin.

Mas maganda sana kung ikaw na lang mismo magpapark at hindi na iiwan yung susi para mas may peace of mind lalo na yung maselan sa sasakyan nila at may trust issues. Kung meron naman pwede maghatid sa inyu avoid na din siguro as much as possible kasi despite sa overall na maayus na service, masama vibes ko sa kanila hahaha parang yung mga muka nila me gagawing kalokohan sa oto mo.
Find all posts by this user
Like Post Quote this message in a reply
Post Reply 




User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

This forum uses Lukasz Tkacz MyBB addons.