Mirage Pilipinas (MPH)
Rear bumper repair - Printable Version

+- Mirage Pilipinas (MPH) (https://www.miragepilipinas.com)
+-- Forum: The Garage (/Forum-The-Garage)
+--- Forum: Bodyworks and Exterior Accessories (/Forum-Bodyworks-and-Exterior-Accessories)
+--- Thread: Rear bumper repair (/Thread-Rear-bumper-repair)

Pages: 1 2 3


Rear bumper repair - Bogeyman - 02-18-2016 09:27 AM

Guys, saan be pwedeng magpa-realign ng rear bumper, preferably Antipolo or QC area? May naatrasan akong poste kaya medyo umusli yung sa right side, hindi na siya pantay sa body panel. Repainting na rin if ever kasi may slight scratch na yung top coat.

Ayoko nang ipagawa sa casa kasi baka magtagal na naman, besides sabi nila for replacement na daw yun (although sabi ng kapitbahay kong taga-Mitsu, iinitin lang daw yung bumper para lumapat ulit).

Thanks.


Re: Rear bumper repair - chronicle - 02-18-2016 10:19 AM

Any body repair shop.
Sa frankline kaso dito sya sa examiner st near west ave.


RE: Rear bumper repair - songerph - 10-31-2016 11:13 AM

So may naatrasan akong lumang kotse sa may amin kasi sobrang dilim at di ko napansin at nayupi rear bumper ko. Fortunately walang damage sa body at ilaw. Nakahinga ako nang malalim.

Dalawa pinagiisipan ko:

1. Casa replacement using insurance. Takot lang ako sa Diamond motors marcos hiway kasi sinisira nila kotse ko (see Casa Issues thread). FPG insurance ko at 2k+ ang participation fee ko. May idea ba kayo magkano ang possible total gastos kapag sa casa rear bumper replacement? Tsaka itatanong ko sa insurance kung saan pa sila accredited na ibang casa.

2. Body repair na lang sa mapagkakatiwalaang shop. Any suggestion? Preferably malapit sa Cainta/Marikina. Baka mas mura.

Thanks a lot!

[Image: 14881643_1568877383126139_1377898240_o.jpg]

[Image: 14881536_1568877266459484_1293375197_o.jpg]


RE: Rear bumper repair - WallyWest - 10-31-2016 03:57 PM

Hindi ba dyan pwede yung buhos init tubig?

Tapatalked


RE: Rear bumper repair - chronicle - 10-31-2016 05:04 PM

kayang kaya ng kumukulong tubig yan.

Halos same lang ng damage sa akin yung kagaya ng pic sa taas.


RE: Rear bumper repair - arjee - 10-31-2016 05:07 PM

may nakasabay ako dati sa Bruce na ganyan din. ang ginawa is binaklas then they heat up yung backside ng bumper ng acythelene, then masahe masahe.. ayun - bumalik sa dati. then kabit nila ulit. 800 ata yung damage. ako naman re alignment ng front bumper, 500petot damage.


RE: Rear bumper repair - songerph - 11-02-2016 02:21 PM

Mukhang madali lang talaga ayusin ang plastic bumpers.

Saan yang Bruce? 800 lang o!

Any other recommendations na malapit lapit sa area ko?

Thanks!


RE: Rear bumper repair - zachdaemon - 11-02-2016 10:51 PM

may maliit na yupi din ako sa rear bumber dahil sa motor na bumangga saken so I tried yung kumukulong tubig mahirap palambutin dapat ata talaga acythelene nga from the back part. I tried 3x 2takure 2litro/each lumalambot pero hindi pa sapat para maibalik sa porma.


RE: Rear bumper repair - frankitoy08 - 11-03-2016 04:27 PM

(11-02-2016 02:21 PM)songerph Wrote:  Mukhang madali lang talaga ayusin ang plastic bumpers.

Saan yang Bruce? 800 lang o!

Any other recommendations na malapit lapit sa area ko?

Thanks!

bandang pasig to paps 4 kung di ako nagkakamali, pasok ka sa kanto sa kabilang side ng sm pasig/tiendesitas, c5-NB


RE: Rear bumper repair - sonofarthur - 02-09-2017 12:24 AM

Hello,

Meron po ba kayong alam kung saan magparealign ng front bumper sa Makati?


This forum uses Lukasz Tkacz MyBB addons.