Mirage Pilipinas (MPH)
Windshield cracking - Printable Version

+- Mirage Pilipinas (MPH) (https://www.miragepilipinas.com)
+-- Forum: The Garage (/Forum-The-Garage)
+--- Forum: Window Treatment (/Forum-Window-Treatment)
+--- Thread: Windshield cracking (/Thread-Windshield-cracking)

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8


RE: Windshield cracking - NaimaRaiko - 05-20-2016 10:40 AM

Quote:Saklap ng nangyari sakin, almost 2 weeks palang sakin tong 2016 Mirage HB, nagka ganito, sobrang nakaka gigil tlga ung mga trucks sa NLEX na ppnta sa 2nd lane (katabi ng fast lane) para lng mag overtake, which is may 3rd and 4th lane naman para saknla. Natalsikan ako ng bato, Haaaayz. 2

I hope ma-process kagad ng insurance. Kakalungot ung hassle at gastos again.

Badtrip talaga sa NLEX kaya ako hanggat maaari hindi ako tumatabi sa mga trucks & buses jan kasi minsan makikita mo nagtatalsikan talaga yung mga bato galing sa kanila.

Windshield ko nga puro may maliliit na chips na din dahil sa mga maliliit na bato na tumatama na hindi mo naman talaga maiiwasan. Pero as a remedy ginagamitan ko ng DIY windshield repair kit para mafill in yung mga small chips.


RE: Windshield cracking - rand0minsanity - 05-20-2016 03:04 PM

Medyo madalas din ako sa NLEX and grabe nga yung mga talsik nila. Fortunately, hindi sa windshield yung tama, kaso sa pillar katabi nung windshield may tama. Hanggang bakal yung nag chip na paint so pina touch up ko pa.

Kaya ginagawa ko e either slow down or overtake tong mga trucks na to. Di ko lang alam bakit pinapayagan sila bumyahe ng NLEX na hindi secured ng maayos yung kargada nila. Hazard sa fellow motorists talaga.


RE: Windshield cracking - Puyol - 02-07-2018 11:49 AM

My windshield got hit by a stone (I think) yesterday while driving along SLEX (Alabang area). Not sure though if galing sa truck na nasa middle lane or from Skyway. 2

Thanks sa helpful tips. I'm planning to have it changed and will do insurance claim.

[Image: UY0BX]


RE: Windshield cracking - NaimaRaiko - 02-07-2018 02:22 PM

Quote:My windshield got hit by a stone (I think) yesterday while driving along SLEX (Alabang area). Not sure though if galing sa truck na nasa middle lane or from Skyway. 2

Thanks sa helpful tips. I'm planning to have it changed and will do insurance claim.

Depende sa klase ng basag at kung san part ng windshield tumama. Sakin dati tinamaan sa eksatong gitna ng windshield ng dalawang bato na magkatabi pa, bullseye ang tawag dun sa tama bilog kasi, ginawa ko diy glass repair bumili ako ng kit, not perfectly done pero ang iniwasan ko lang is kumalat yung crack and till now it remains the same simula nung ginawa ko.

Long cracks depende kung kaya pa magawa.


RE: Windshield cracking - GIGAM25 - 02-07-2018 03:39 PM

daming gumagawa ng windshield repair dito manila sir. nakikita ko lagi sa feed ng facebook ko. try mo search sa fb WINDSHIELD REPAIR.


RE: Windshield cracking - Puyol - 02-10-2018 04:50 PM

Salamat Sir @NaimaRaiko and @GIGAM25.

Small crack in the middle part of the windshield. Sa baba siya ng rear view mirror if viewed from inside. Talked earlier with my insurance (in-house with the Mitsubishi dealer). Decided that I will replace the windshield. Worried lang kasi wife ko at father ko na mag long crack siya at sumabog sa harap ko since long drive ako pag papunta from work at pauwi.


RE: Windshield cracking - NaimaRaiko - 02-13-2018 08:52 AM

(02-10-2018 04:50 PM)Puyol Wrote:  Salamat Sir @NaimaRaiko and @GIGAM25.

Small crack in the middle part of the windshield. Sa baba siya ng rear view mirror if viewed from inside. Talked earlier with my insurance (in-house with the Mitsubishi dealer). Decided that I will replace the windshield. Worried lang kasi wife ko at father ko na mag long crack siya at sumabog sa harap ko since long drive ako pag papunta from work at pauwi.
Long crack is very possible pero sumabog yung salamin hindi mangyayari sa laminated glass yan. Kung kakayanin ng glass repair yan halos hindi mo na makikita yung tama nyan mga 90++% hindi na halata sa professional na gagawa. Pero much better talaga kung replace na lang.

 


RE: Windshield cracking - Puyol - 04-16-2018 12:16 PM

I had my windshield replaced already. Left the car at SFM San Pablo and it only took two (2) days (replacement including the water leak test). The long waiting time was for ordering the windshield. The next step now is for me to have a full tint on my new windshield. 4


RE: Windshield cracking - enk - 04-16-2018 02:36 PM

ask lang meron bang pang tanggal ng scratches sa salamin?


RE: Windshield cracking - Friedrich - 04-16-2018 05:12 PM

(04-16-2018 02:36 PM)enk Wrote:  ask lang meron bang pang tanggal ng scratches sa salamin?
Windshield ba? Meron po. Cerium oxide po, hindi ko alam saan mabibili dito sa atin. May ready to use brand, CERIGLASS. May nakita ako sa olx noon. The thing with glass, it is so hard. Ang hirap pag by hand lang. In most cases lalong dadami micro scratches. Kapag may DA polisher or rotary, tried and tested ko na po parang brand new ang salamin basta hindi lang masyadong malalim ang scratches. Pag malalim na, you need more patience at hardwork.

 


This forum uses Lukasz Tkacz MyBB addons.