Mirage Pilipinas (MPH)
Question: how to know if wheel bearing is bad? - Printable Version

+- Mirage Pilipinas (MPH) (https://www.miragepilipinas.com)
+-- Forum: The Garage (/Forum-The-Garage)
+--- Forum: Mags, Rims and Wheels (/Forum-Mags-Rims-and-Wheels)
+--- Thread: Question: how to know if wheel bearing is bad? (/Thread-Question-how-to-know-if-wheel-bearing-is-bad)

Pages: 1 2


Question: how to know if wheel bearing is bad? - welArcher22 - 06-13-2019 10:15 AM

Good day MPH

Nagpa PMS kasi ko yesterday sa isang shop for 55k kms. Wala naman ako napapansin na kakaiba sa auto ko, basta regular PMS lang pinagawa ko. All of a sudden I was advised that my wheel bearing is bad daw. I went to the car and had the mechanic spin the wheel, pinakinggan ko wala naman ako narinig na ugong or what. Sabi nya saken hawakan ko daw para ma feel. Yun naramdaman ko nga yung pagikot sa loob which I think is normal. I drove out of the shop and I didn't notice any strange sound.

So I was wondering, is the wheel bearing really bad? How do I know if it is? Thanks


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - NaimaRaiko - 06-13-2019 01:12 PM

Quote:Good day MPH

Nagpa PMS kasi ko yesterday sa isang shop for 55k kms. Wala naman ako napapansin na kakaiba sa auto ko, basta regular PMS lang pinagawa ko. All of a sudden I was advised that my wheel bearing is bad daw. I went to the car and had the mechanic spin the wheel, pinakinggan ko wala naman ako narinig na ugong or what. Sabi nya saken hawakan ko daw para ma feel. Yun naramdaman ko nga yung pagikot sa loob which I think is normal. I drove out of the shop and I didn't notice any strange sound.

So I was wondering, is the wheel bearing really bad? How do I know if it is? Thanks

If I were you wag ka na babalik sa shop na yan dahil nanloloko sila ng customer.

If sira ang wheel bearing may maririnig ka na ugong na sumasabay sa bilis ng sasakyan, pag mabagal medyo mahina at pag mabilis malakas ang ugong. Kahit na ikot mo lang ang gulong may gaspang na maririnig pag-ikot. And if talagang malala na ang sira ng bearing may alog na yan pag ginalaw. Sa youtube maraming examples dun ng bad wheel bearings.


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - welArcher22 - 06-13-2019 02:40 PM

Thank you sir sa advice. That's what I thought. Nagkakalokohan lang. Yung ugong ba ay noticeable dapat? Meaning maiirita ka talaga sa tunog?


Question: how to know if wheel bearing is bad? - NaimaRaiko - 06-13-2019 06:06 PM

(06-13-2019 02:40 PM)welArcher22 Wrote:  Thank you sir sa advice. That's what I thought. Nagkakalokohan lang. Yung ugong ba ay noticeable dapat? Meaning maiirita ka talaga sa tunog?


Depende kung gaano na kasira ang bearing. If naririnig or nraramdaman mo na that means malala na ang sira. Yes maiirita ka for sure.


 


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - kites182 - 09-09-2019 02:48 PM

Add ko lang. Last month nagpapalit ako ng wheel bearing sa likod.
Sintomas nya eh parang may lumalagutok sa ilalim ng sasakyan mo na talagang maririnig mo kahit sarado bintana at lalo kung bukas ang bintana.

-=-
Kites
-=-


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - bloodehunter - 09-09-2019 11:02 PM

Parang nakasakay ka sa helicopter pag tumatakbo ng 60kph pataas 1)

At 40k, nagpalit na din ako rear wheel bearing, pero nagpaparamdam na din yung front ko though tolerable pa, hindi kasing lala nung likod before it was fixed.


Question: how to know if wheel bearing is bad? - bloodehunter - 10-22-2019 11:03 PM

Update lang

Front wheel bearing both replaced with NTN. It was a good thing kamo na napalitan na, may play na pala bearings both sides, as in kumakalog. Kaya pala may nalagatok minsan pag sharp aggressive turn.

1.4k/pc plus machine 1k, plus labor 600[Image: bf88518d0c538c340a8d201c729f0e7f.jpg]


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - ztudd09 - 10-25-2019 06:53 AM

Hi sir, saang shop mo nakuha ung wheel bearing? With abs ba yan?


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - sniper007 - 10-28-2019 06:59 AM

front lang daw with abs..


RE: Question: how to know if wheel bearing is bad? - bloodehunter - 10-28-2019 09:33 PM

(10-25-2019 06:53 AM)ztudd09 Wrote:  Hi sir, saang shop mo nakuha ung wheel bearing? With abs ba yan?

Mitsu star sa imus, with ABS yes.

Medyo sumakit ulo ko sa side effects ng wheel bearing replacement --- Alignement issues.

Kung magpapalit ng front wheel bearing, make sure magtatabi din ng budget sa toe and camber adjustment. Sobrang off ng camber ko ngayon, kailanganin ko na magcamber bolt if hindi magbago a week after magsettle suspension.


This forum uses Lukasz Tkacz MyBB addons.